Ang classical guitar, na kilala rin bilang Spanish guitar, nylon-string guitar, classical acoustic o concert guitar, ay bahagi ng pamilya ng gitara na ginagamit sa classical music. Isa itong acoustic guitar na gawa sa kahoy at may nylon strings, hindi tulad ng electric at karamihang acoustic guitars na metal ang strings.
Karaniwan, ang classical guitar ay may labindalawang frets bago tumama sa body, at tinutugtog ito habang nakapatong sa kaliwang hita ng player para natural bumagsak ang kamay sa likod ng soundhole — ito ang tinatawag na classical position. Samantalang ang modernong steel-string guitar ay madalas may labing-apat na frets bago ang body at karaniwang nakapatong sa balakang habang tumutugtog.
Ang terminong classical guitar ay maaari ring tumukoy sa:
- Ang fingerstyle technique kung saan pinipitik ang strings gamit ang kuko o dulo ng daliri.
- Ang music repertoire na partikular para sa instrumentong ito.
Iba-iba ang materyales, konstruksyon at hugis ng classical guitars. Kadalasan modern classical shape ang makikita, pero may ilan ding historic designs na kahawig ng mga lumang romantic guitars mula Italy at France. Dati, gawa sa catgut ang strings, pero ngayon karamihan ay nylon na may silver winding sa bass strings.

May sariling “family tree” ang gitara. Halimbawa, ang flamenco guitar ay nagmula sa classical, pero may pagkakaiba sa tunog, materyales at setup.
Minsan ginagamit ang terminong modern classical guitar para ihiwalay ito sa mas lumang uri ng gitara gaya ng baroque guitars na may limang courses o early romantic guitars na may anim na strings.
Ang modernong classical guitar na ginagamit ngayon ay hango sa disenyo ni Antonio Torres Jurado noong ika-19 na siglo.
Maraming beginners ang mas pinipili ang classical guitar kaysa acoustic o electric dahil mas malambot ito sa daliri at may kakaibang tunog. Sikat din ito para sa unang pag-aaral ng fingerstyle.
Mga Kapansin-pansing Pagkakaiba
Narito ang ilang malinaw na pagkakaiba ng classical guitar kumpara sa acoustic o electric:
- Mas malapad ang neck – Mas may pagitan ang strings kaya mas madali sa fingerstyle, pero medyo mahirap para sa maliliit ang kamay.
- Mas maikli ang neck – Sa classical, ang neck ay nagtatagpo sa body sa ika-12 fret, samantalang sa iba ay ika-14 fret.
- Nylon strings – Mas malambot sa daliri at mas mellow ang tunog kumpara sa steel strings.
- Soundhole rosette – Karaniwang may magandang dekorasyon sa paligid ng soundhole.
Buyer’s Guide para sa Beginner sa Classical Guitar
Bago ka bumili, isaalang-alang ang mga ito:
- Hugis at laki ng gitara
- Nylon strings
- Projection o lakas ng tunog
- Kalidad ng tuning machines
Hugis at Laki

May iba’t ibang sizes ang classical guitars. May mas maliit para sa bata, at full-size para sa adult. Tandaan, mas makapal ang body, mas bassy ang tunog; mas manipis, mas treble.
Nylon Strings
Mas madaling pindutin ang nylon strings kaya ideal sa beginner. Pero hindi ito kasing “edgy” ng steel strings. At iba rin ang paraan ng pag-restring kumpara sa electric guitar o acoustic.
Projection
Ang projection ay ang kakayahan ng gitara na maglabas ng malinaw at malakas na tunog nang hindi nawawala ang kalidad. Kung balak mong mag-perform, mahalagang factor ito.
Tuning Machines
Mas sensitibo ang tuning pegs ng classical guitar. Subukan mong paikutin at i-check kung maayos ang galaw at walang slipping.
Karagdagang Impormasyon
Magkahawig man ang classical at flamenco, may pagkakaiba sila sa setup at konstruksyon.
Karaniwang mas mataas ang string clearance ng classical guitar para mas malinaw ang tunog sa classical repertoire. Sa flamenco naman, mas mababa ang action para sa mabilis at percussive playing.
Tension ng Strings
Iba-iba ang tension depende sa design at materyales. May light, normal, hard at extra hard tension. May mga carbon strings na mas bright at mas mabilis ang attack.
Scale Length
Karaniwang 650mm ang standard scale length mula pa noong panahon ni Antonio Torres. Mas mahaba ang scale, mas mataas ang tension at mas demanding tugtugin.
Action at Intonation
Ang action ay taas ng strings mula sa fretboard. Mas mataas, mas mahirap pindutin; mas mababa, mas madali pero may risk ng buzzing.
Ang intonation naman ay ang tamang pag-adjust ng string length para tama ang tunog sa buong fretboard.
Maikling Kasaysayan ng Classical Guitar
Ang pinagmulan ng gitara ay misteryo. Noong sinaunang panahon, may mga instrumentong may mahabang neck at body na kahawig nito.
Noong ika-15 siglo sa Spain, may instrumentong tinawag na vihuela. Pagsapit ng ika-16 siglo, naging mas popular ang Spanish guitar.
Isang malaking pagbabago ang ginawa ni Antonio de Torres noong 1800s. Pinalaki niya ang body at pinahusay ang bracing pattern, na nagbigay ng mas malakas at mas malinaw na tunog. Hanggang ngayon, ang design niya ang naging foundation ng modern classical guitar.